Ambilis ng Schoolyear no? Hindi ko man lang napansin. Mabilis na nga talaga ang takbo ng oras ngayon. Ang hirap sundan. Masyado kasing komplikado eh. Mahirap intindihin. Hay.
Naaalala ko pa noong First Day natin. Hinding-hindi ko matanggap na Hertz ako. Pano ba naman andyan si Dhea. Nakakatakot siya nung una. Parang mataray. Parang nangangain. Nandun din ung mga boys. Mukhang mahirap sila pasunurin. Pasaway tong mga ito. Ano na kaya mangyayari sa section ko? Lowest na kami sigurado yun. T_T
Lagi ko ngang ipinagmamalaki Kepler nun eh. Kasi talagang ibang-iba ang Hertz sa Kepler. Miss na miss ko pa Kepler nun. Noong mga panahong iyon Kepler pa ang laman ng utak, isip, at damdamin ko. Lagi kong iniisip na mas masaya ako sa Kepler. Sana Kepler na lang ulit ako. Sana wala na lang third year. Pero nagbago iyon....
Lumipas ang ilang Linggo at natutunan ko na ding mahalin ang Hertz. Marami na akong nakilala. Marami na rin akong naging kaibigan. Pati na rin nakaaway. Hehe. Medyo nahirapan lang ako mag-adjust ng konti. Pero naging maayos naman ang naging resulta.
Marami na rin tayong napagdaan eh. Ung iba matagumpay at yung iba naman hindi. Masaya ako at nagiging unified tayo kapag may mga paligsahang magaganap o kaya naman ay play. Lagi tayo na kina Anika at dun gumagawa ng tinatawag na "Practice". Ang gulo natin nun no? Hay. Memories....
Wala ring makakatalo sa mga kantahan at indakan natin. Kapag may kumantang isa kakanta na lahat. Chain Reaction nga eh. At dahil dun biglang nagiging Disco ang room natin at nagkakaroon ng walang katapusang Party. Haha. I'm gonna miss that!
Da Best din tayo pagdating ng quizzes, summative tests, at lalong-lalo na sa Periodic Test! Astig ung "Arrangement" natin. Nung una akala ko "Circle of Friends" lang ang kasama. Makalipas ng ilang araw naging "Holy Alliance". Medyo dumarami ang populasyon natin. At nang lumaon ay naging "Continental System" na! Dun ako natutuwa kasi fully support ng buong klase iyon. Tapon papel dito. Arbor test paper. Hanap relic. Gawa relic. Gamit relic. Nakakamiss talaga!
Di ko rin makakalimutan ung mga VANITY MOMENTS natin. Kapag may dalang camera, hala!, pose dito, pose dyan, pose ng pose kahit saan. Hehe. Sobrang VAIN ng Hertz. More than 2,500 na pics natin eh. Hindi pa diyan kasama mga pics ng iba galing sa cellphones. Weeee. Ansaya!
Hinding-hindi ko talaga makakalimutan lahat ng kalokohang pinaggagawa natin nung tayo'y magkakasama. Ang harutan, kulitan, lambingan, pictyuran, habulan, kantahan, sayawan, kopyahan, asaran, praktisan, lahat na! Lahat ng mga alaala natin ay mananatili dito sa aking isip at puso.
Ngayon napagtanto ko na, ngayon masasabi ko na, eto na! MASAYA TALAGA SA HERTZ.
Ayoko pang magkahiwa-hiwalay tayo pero sa tingin ko ganun ang tadhana. May plano ang Diyos para sa ating lahat. Siguro gusto niya na maging matatag ang ating pagsasamahan. At diba maganda yun?
Waaaah! Ayoko pa talagang mahiwalay sa inyo. Nakakainis na palit-palit section yan! Sana blocked section na lang talaga! Sana! Grrrrr...
Salamat Hertz sa lahat. Sa pagtitiwala, sa friendship, sa camaraderie, sa pagkakaibigan, sa lahat lahat ng nagawa niyo sa akin ngayong taon. Naging makabuluhan ang aking 3rd year life kung di dahil sa inyo. Maraming maraming salamat talaga.
Sorry sa lahat ng nakaaway ko. Sorry sa mga maling nagawa ko sa inyo. Sorry dahil minsan nagiging prangka ako. Sorry sa pagiging minsang pagkaplastic ko. Sorry sa lahat ng may galit sa akin. I'm really really sorry.
Mahal na mahal ko kayong lahat! Ngayon lang ako nagmahal ng section ng ganito. Super Duper I Love you!
Oy! Walang kalimutan ah. Promise niyo yan sa akin! Di ko kayo makakalimutan! Mamimiss ko kayong lahat! Mwah! Mwah!
Lubos na nagmamahal,
Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
P.S. Ang haba ng sulat ko. Sana maapreciate niyo. Hehe. I love you HERTZ!
I Draw @ 4:21 AM
About Me
Name: Hertz
Age: 13-17.
School: MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL
Course: Third Year/ Junior
Birthday: January - December.
Credits
Design by wishix
Characters drawn and color by wishix