Hindi makapaniwalang sampung buwan lamang
ang oras na tayo'y magkakasama-sama
tila kay bilis nga naman ng panahon
kung ito'y di papansinin at magpapatuloy
kailanman ay di kalilimutan
kailanman ay di pababayaan
ang mga alaala at ligaya na ginawa
at pati na rin ang hinagpis at mga luha
kahit maubos at mabawasan ang mga miyembro
patuloy tayong susulong
hindi kailanman titigil at uurong
itutuloy ang paglakad
ang paglakad na kapit-kapitkamay
hindi na maaari pang magkahiwahiwalay
kahit anong mangyari ay hindi mawawalay
kung gayon man ay mangyayari
hindi babagsak nang madali
matagal tayong tatayo
matagal tayong maglalakbay
dahil kamatayan lamang ang makakapaghiwalay